Wednesday, September 9, 2009

anung klase kang ama?

Anung klase kang ama?
Bawat kilos mo'y di kahanga-hanga,
Sa mata ng iyong anak ika'y nagkakasala,
Bawat araw ay di ka nagsasawa

Sa bawat laklak mo ng alak
Sa buhay mo ba'y wala kang kabalak-balak?
Baguhin ang saril't maging mabuti,
Upang ika'y di ko na ikamuhi.

Sana'y mapansin ang munti kong tulain
Nang sa gayo'y mga ama'y magising.
Sa katotohanang dapat din silang kumayod
Nang sa gayo'y kanilang pamilya'y makaahon.